Wednesday, June 10, 2009

"MARINDUQUE AKIN KA"



"Reunited Choir" of Boac.











"Marinduque Akin Ka"
Titik at Musika: Eli J. Obligacion
Isang paraiso sa gitna ng dagat
Ay muling nabuhay
Sa aking pangarap ngayon
Kahapo'y di mawaglit sa aking isip
Ngayo'y buhay ka't di na panaginip.
Marinduque akin ka
Puso mo'y puso ko
Awit mo'y awit ko di ba
At ngayo'y magkayakap
ang ating damdami'y iisa.
Isang paraiso'ng ilaw sa karimlan
Batis ng pag-asa
Bayan ma'y sadlak sa dusa
Kahapon mo'y may pait, luha at sakit
Ngayo'y nagising diwa'y nagupiling.


Marinduque gising na/akin ka
Puso mo'y puso ko
Awit mo'y awit ko di ba/di baga
At ngayo'y magkayakap
Ang ating damdami'y iisa.
(Repeat Koro)
Ang ating damdami'y iisa
Marinduque akin ka.

No comments: