Sa isang pag-aaral, “Pista. Pamayanan. Tradisyong Orál: Mga Konsepto sa Pag-aaral ng mga Teatro sa Asya” na sinulat ni Bryan L. Viray (Asian Theater: Final Paper 2008) ay nabanggit niya ang ganito:
“Sa paglalarawan sa “teatro” ni Eli Obligacion, artistic director ng Teatro Balangaw, isang community theater sa isang bayan sa Marinduque, “Teatro came forth in the spirit of volunteerism, especially among the young and the young at heart.”
Binigyang pansin ko ang salitang volunteerism dahil sa gayon din ang unang lumalabas kapag pinag-uusapan ang komunidad lalo sa mga samahang panteatro sa isang komunidad. Hindi din nalalayo ang karanasan ng mga taga-Vietnam sa karanasang ito.“The Vietnamese theatre has always had the support of the common people…” (Ban1960).
Palagian din namang umuutlaw ang nosyon ng aydentidad o pagkakakilanlan kung pag-uusapan ang komunidad. Hindi maiiwasan ang tendensiyang magkaroon ng paglalahat sa paglalarawan ng mga tao sa isang komunidad. Halimbawa, ang mga ilonggo ay sinasabi nilang malambing. Ang mga waray naman ay palaban. Gayundin,may kinalaman ang lokasyon sa pagtutukoy ng isang lugar o pamayanan. Ang Baguio bilang Summer Capital of the Philippines, ang Marinduque bilang Heart of the Philippines, ang Hapon bilang Land of the Rising Sun at marami pang iba. Pakahulugan nga ng Wikipedia, “community is a social group sharing an environment with shared interest affecting the identity of the participants.”
Ref: http://www.scribd.com/doc/76742976/Asian-Theater-Final-Paper
No comments:
Post a Comment